KAGULAT-GULAT NGUNIT TOTOO!

1. Ang totoong Ngalan ng ating Maykapal sa orihinal na Hebreong Banal na Kasulatan ay 'YAO-HOO' at ang orihinal na Ngalan naman ng totoo at iisang Messias ay 'YAO-HOO-SHUA'

2. Walang ibang ngalan ang ibinigay sa silong ng langit sa sangkatauhan upang ating ikaligtas maliban sa Ngalang: YAO-HOO-SHUA! - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan.

3. Sinomang tumawag sa iisang Ngalang 'YAOHUSHUA' ay tiyak na maliligtas mula sa mga sumpa at kaparusahan ng kasalanan: kawalan, sakit, kabiguan, kapighatian, kamatayan at impyerno! - Deuteronomio 28, Banal na Kasulatan.

4. Ang lahat ng tao ay nagkasala at di nakaabot sa kaluwalhatian ng Maykapal na si YAOHU UL, ang Banal ng Israel; at ang tiyak na kabayaran naman ng kasalanan ay walang-hanggang kamatayan, ang pagiging hiwalay mula kay YAOHU UL! - Roma 6:23

5. Ngunit gayon na lamang ang pag-ibig ni YAOHU UL sa sangkatauhan kaya't Kanyang ibinigay ang Kanyang iisang Anak upang sinomang sumampalataya sa Kanya ay huwag mapahamak kundi magkamit ng buhay na walang hanggan! Sinomang hindi maniwala ay nahatulan na, dahil hindi sila naniwala sa Ngalan! - Juan 3:16, Banal na Kasulatan

6. At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala Ka, ang totoong Maykapal, YAOHU UL, at si YAOHUSHUA, ang Messias na Iyong isinugo. - Juan 17:3, Banal na Kasulatan

7. Si YAOHUSHUA na Messias ang iisang daan, ang katotohanan at ang buhay; walang sinoman ang makalalapit kay YAOHU UL kundi sa pamamagitan Niya lamang, at hindi sa pamamagitan ng ibang mga huwad na messias! Kaya't kinakailangan kayong maisilang na mag-uli sa larangang espiritwal! - Juan 14:6; 3:7

8. Walang sinoman ang maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa Sampung Utos dahil ang kaligtasan ay isang regalo o kaloob na walang bayad para sa mga nananalig sa katubusang isinagawa ni YAOHUSHUA na Tagapagligtas, dahil kung ang kaligtasan ay nakakamit sa pamamagitan ng pagsunod sa Sampung Utos, hindi na sana kailangang mamatay pa si YAOHUSHUA na Messias para sa ating kaligtasan.

9. Mayroong TATLONG PERSONA sa iisang Maykapal: ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, at ang tatlo ay ganap ang pagkakaisa! - 1 Juan 5:7, Banal na Kasulatan

10. Ang iisang nakasasambang Ngalan ng Maykapal at ng Kanyang Messias ay PINALITAN sa pagsasalin ng Banal na Kasulatan sa iba't-ibang wika, at HINALINHAN nga ito ng mga iba't-ibang KAKAIBANG mga ngalan ng mga huwad na maykapal o mga idolo ng mga pagano!

Tiyakin nyong kayo ay hindi nagtitiwala sa mga huwad at nagpapanggap na maykapal daw o sa mga palsipikadong messias kaya! Mag-ingat kayo! Buhay at iisang kaluluwa ninyo ang nakataya panghabang-buhay!

TUKLASIN N'YO ANG MGA KATOTOHANAN!

Mga katotohanang matagal nang nakaligtaan ng marami at tanging ang totoong Messias na si YAOHUSHUA lamang ang makapaghahayag sa mga tapat na sumasaliksik sa katotohanan.

Si YAOHUSHUA ang katotohanan!

Si YAOHUSHUA ang totoong Messias at Tagapagligtas at wala nang iba pa! Maililigtas kang talaga ni YAOHUSHUA ang Messias!

Tandaan, WALANG IBANG NGALAN ang ibinigay sa silong ng langit sa sangkatauhan upang ating ikaligtas maliban sa iisang Ngalang: YAOHUSHUA! Ang kaligtasa'y hindi matatagpuan sa ibang ngalan, kanino pa man! Huwag kayong palilinlang sa mga huwad!

YAOHUSHUA at hindi si 'gee-ZEUS' na rebulto ng mga Griego!

Tumawag o lumiham daglian at hilingin ang inyong mga walang-bayad na babasahin na naghahayag ng malilinaw at kamangha-manghang mga nakaligtaang katotohanang magpapalaya sa inyo na makikita sa Hebreong Banal na Kasulatan!

Inaanyayahan kayong dumalo't makiisa sa aming palagiang pagdiriwang ng mga pag-aaral ng Banal na Kasulatan batay sa orihinal na Sagradas Escrituras Hebraica, kasama ng mga pagpupuri, pagsamba at pagbibigay pasasalamat kay YAOHU UL, ang iisang totoong Walang-Hanggang Maykapal!

'YAOHU' - ito ang Ngalang mag-gugunita at itatawag sa Akin sa bawat sali't-saling lahi!' Maliwanag na nasusulat sa Exodo 3:15, Banal na Kasulatan.

Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan kanino pa man dahil walang ibang ngalan sa silong ng langit ang ibinigay sa sangkatauhan upang ating ikaligtas liban sa iisang Ngalang: 'YAOHUSHUA.' - Mga Gawa 4:12, Banal na Kasulatan

'OL SHÚAM'(sa Ngalan ni) YAOHUSHUA hol-MEHUSHKHAY, am-nam!

Basahin, unawain, paniwalaan at sampalatayanan ngayon din ang nilalaman ng mga walang-bayad na babasahing ito mula sa totoong Messias na si YAOHUSHUA:

YAOHUSHUA - Ang Totoong Messias
YAOHUSHUA - Ang Manggagamot at Tagapagpalaya
YAOHUSHUA - Walang-Hanggang Triune
YAOHUSHUA - Mga Katangian ng Messias
YAOHUSHUA - Ang Walang Bayad na Kaloob sa Iyo
YAOHUSHUA - Mga Pagbubunyag! (Exposes!)
YAOHUSHUA - Papaanong Makitungo sa Inyong mga Authorities
YAOHUSHUA - Mga Pag-Uugali Upang Magkamit ng Pagwawagi Sa Hinaharap

na matatagpuan sa mga sumusunod na lugar sa Internet....

OHOL YAOHUSHUA
(Israel)

Website:
http://www.YAOHUSHUA.org

E-mail Address

YAOHUSHUA@email.msn.com
   Post Mailing Address:

OHOL YAOHUSHUA
P. O. BOX 1482,
JERUSALEM, ISRAEL 91014

Magbalik tayong muli sa YAOHUSHUA Home Page ngayon....